Saturday, December 4, 2010

Price Hike

        Nitong mga nakaraang buwan, nakaranas tayo ng matinding krisis sa ekonomiya. Nagsitaasan ang mga bilihin sa merkado. Sobrang nakaapekto sa atin ang world krisis. Pinangambahan ito ng maraming Pilipino kaya naman natuto tayong magtipid kahit papano.
        Lumipas ang ilang buwan, inakala ng lahat na tapos na ang economic crisis. Ngunit, hindi pa man nagpapasko ay muling naulat sa pangkalahatang balita dito sa bansa ang nakaambang pagtaas ng mga bilihin. Naging kalbaryo ito para sa iba dahil hindi pa man nagpapasko ay nagagastusan na sila.
        Kabilang sa mga tumataas na presyo ay ang mga bilihin sa palengke o pamilihang bayan tulad ng karne, gulay, isda, at prutas. Dahil sa biglaang pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay ibayong pagtitipid ang dinadanas ng karamihan ngayon. Mayroon pa ngang iba na hindi na nakabibili ng mga ng mga bagay na kanila nang nakasanayang bilhin dahil sa sobrang tindi ng krisis.
         Ngayon nga, hindi lang ang mga bilihin sa palengke ang tumataas ang presyo. Maging ang mga pandesal at iba pang tinapay ay tumataas na rin dahil sa presyo ng harina. Pero sabi ng gobyerno, gagawa sila ng paraan upang hindi na tumaas ang presyo ng tinapay. Higit ding pinangangambahan ng mga taong bayan ang pagtaas ng presyo ng bigas at langis sa petrolyo.

          Kaya naman upang tayo ay makatipid kahit kaunti, matuto tayong gamitin sa maayos ang mga pera natin. Kung maaari, bilhin lang natin ang mga bagay na kailangang-kailangan natin upang sa gayon ay makaluwag-luwag naman tayo sa mga bilihin.
          Ikaw bilang isang mabuting miyembro ng pamilya, sa anong paraan ka makatutulong upang makatipid?
          Ano nga ba ang dahilan ng bilaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bukod sa lumalalang world crisis?
          Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto nito sa iyong pang-araw-araw na bilihin?



ABS-CBN News
TV Patrol World
Weekdays Edition