Saturday, December 4, 2010

Price Hike

        Nitong mga nakaraang buwan, nakaranas tayo ng matinding krisis sa ekonomiya. Nagsitaasan ang mga bilihin sa merkado. Sobrang nakaapekto sa atin ang world krisis. Pinangambahan ito ng maraming Pilipino kaya naman natuto tayong magtipid kahit papano.
        Lumipas ang ilang buwan, inakala ng lahat na tapos na ang economic crisis. Ngunit, hindi pa man nagpapasko ay muling naulat sa pangkalahatang balita dito sa bansa ang nakaambang pagtaas ng mga bilihin. Naging kalbaryo ito para sa iba dahil hindi pa man nagpapasko ay nagagastusan na sila.
        Kabilang sa mga tumataas na presyo ay ang mga bilihin sa palengke o pamilihang bayan tulad ng karne, gulay, isda, at prutas. Dahil sa biglaang pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay ibayong pagtitipid ang dinadanas ng karamihan ngayon. Mayroon pa ngang iba na hindi na nakabibili ng mga ng mga bagay na kanila nang nakasanayang bilhin dahil sa sobrang tindi ng krisis.
         Ngayon nga, hindi lang ang mga bilihin sa palengke ang tumataas ang presyo. Maging ang mga pandesal at iba pang tinapay ay tumataas na rin dahil sa presyo ng harina. Pero sabi ng gobyerno, gagawa sila ng paraan upang hindi na tumaas ang presyo ng tinapay. Higit ding pinangangambahan ng mga taong bayan ang pagtaas ng presyo ng bigas at langis sa petrolyo.

          Kaya naman upang tayo ay makatipid kahit kaunti, matuto tayong gamitin sa maayos ang mga pera natin. Kung maaari, bilhin lang natin ang mga bagay na kailangang-kailangan natin upang sa gayon ay makaluwag-luwag naman tayo sa mga bilihin.
          Ikaw bilang isang mabuting miyembro ng pamilya, sa anong paraan ka makatutulong upang makatipid?
          Ano nga ba ang dahilan ng bilaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bukod sa lumalalang world crisis?
          Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto nito sa iyong pang-araw-araw na bilihin?



ABS-CBN News
TV Patrol World
Weekdays Edition

21 comments:

  1. .....cguro bilang miyembro ng isang pamilya mkakatipid ako unang-una sa aking allowance magtitira ako kh8 10 piso lamang sa araw-araw ...sa pamamagitan ni2 mkakatulong na ako sa aming pamilya upang mkatipid..:))

    ReplyDelete
  2. Dapat ay marunong tayo magtipid upang magkroon pa tayo ng magagamit sa susunod pang mga araw.

    ReplyDelete
  3. bilang isang myembro ng pamilya, maaari akong magtipid sa aking sariling paraan. katulad na lamang ng pagiipon, malaki ang naitutulong nito sapagkat ang mga naipong pera ay maaari kong gamitin sa mga proyekto at iba pang gawain upamng sa gayo'y hindi na ako humingi pa ng karagdagang pera.

    ReplyDelete
  4. bilang miyembro ng pamilya, magtitipid ako sa pamamagitan ng hindi pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Para hindi aksaya sa kuryente, hindi ko iiwanang buhay ang mga appliances na hindi ginagamit. At sa pagkain, pipilitin kong hindi maging pihikan,para hindi na masyadong magastos sa ulam. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon ay dulot na rin siguro ng panahon at kahirapang dinaranas ng ating bansa ngayon. Ang maaaring maging epekto nito sa atin ay maaring mas maging matipid pa tayo sa paggastos ng ating pera.

    ReplyDelete
  5. Bilang miyembro ng pamilya, makakatipid ako sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga pagkaing mura, masarap at masustnasiya pa... kung magpapatuloy ang mga tao sa pagsasagawa ng protesta ay magiging sanhi lang ito ng kaguluhan at hindi magandang impresiyon ng Pilipinas sa mata ng ibang mga tao sa mundo... ugaliin nating magtipid sapagkat ito lang ang mainam na solusyon sa ngayon sa problemang kinakaharap ng ating bansa....

    ReplyDelete
  6. akouh bilang miyembro ng pamilya hindi akouh bibili ng mga gamit na walang katuturan bibili na lang akouh ng mga masustangsyang pag kain

    ReplyDelete
  7. ako bilang miyembro ng pamilya, bibili ako ng mga murang pagkain na masustansya at hindi makakaapekto sa kalusugan upang makatipid at humaba pa ang buhay....,,

    ReplyDelete
  8. pulubi na nga ang pilipinas...
    magtataas p cla ng bilihin...
    lalo ng nagutom ang mga pilipino dahil sa mahal ng bilihin..

    ReplyDelete
  9. lahat na lng nagmahal na! tuition fee, gasolina, pamasahe.. nkow! wala ng nagmura! pano na lng ung mga mhihrap. sana naisip nila na hindi lahat ng tao mganda ang katayuan sa buhay.. :)

    ReplyDelete
  10. kng sa akin ay magtitipid ako upang mkatulong sa aking pamilya...wala tayong mgagawa dahil patuloy ang pagtaas ng mga presyo...sa tingin ko kapag ipinagpatuloy natin ang pagsasayang at pandaraya ay unti unting babagsak ang ating ekonomiya. :)

    ReplyDelete
  11. ako bilang isang miyembro ng pamilya,magtitipid ako sa pamamagitan ng hindi pagbili ng hindi naman kailangan at paggastos ng labis.

    ReplyDelete
  12. bilang isang myembro ng pamilya,magtitipid aq s pamamagitan ng pag bili ng mga bagay n tlgang kailangan at ng mga pagkaing mura pro masustansya,.at kung may matitira pa ay itatago q iyon pra maipambili sa sususnod.

    ReplyDelete
  13. disiplina lng ang susi sa lhat ng bagay. kapag marunong kang magtipid ndi ka makakranas ng matinding kasalatan sa buhay sa pagkain, pera at mga materyal na bagay. kung matututo tayong magtipid magiging maayos ang buhay natin at ndi na natin kelangang magprotesta sa oras ng tumataas ang presyon ng mga bilihinsa bansa.

    ReplyDelete
  14. Bilang isang mabuting miyembro ng pamilya hihikayatin ko ang aking pamilya na gumamit ng alternatibong bgay kung saan kami mas makakatipid.. sa ganitong paraan sa tingin ko, maka2tulong na din ito sa aking pamilya...

    ReplyDelete
  15. Wala na bang mabuting mangyayari sa Pilipinas? Puro na lang ba pagtaas ng presyo, awayan ng simbahan at gobyerno, krimen at pang-aabuso? Sana naman magkaroon man lang ng tinatawag natinbg PAGBABAGO. Kailan pa kaya tayo makakatiim ng mura at masarap na bilihin? Pero kung nahaharp tayo sa usaping ito, ano pa nga ba ang magagawa natin kundi magtipid at maging praktikal.

    ReplyDelete
  16. kailangan tlga natin ng pagtitipid..lalo n ngayin n ng-tataas n ang mga bilihin kailangan mging wais n sa pg-pili ng mga bilihin.

    ReplyDelete
  17. hala ari nannaman bglaan nnaman
    d na nila nakita ung mahihirap ih kapos na kapos na tpos pti illigal papsukin nung iba pra makakain lng dpat ung sakto ng na presyo par sa laht dahil kawawa nmn ung iba buti ung iba kahit bumaba ih tumaas wlang pakeelam

    ReplyDelete
  18. ,,dapat tayong magtipid hindi yung gastos lng ng gastos,,kung tayo ay magti2pid maaayos ang ating buhay...

    ReplyDelete
  19. HmmmmmmpFngxz!!
    Well Dapat Talaga natIn TipIrin Ang Lahat Ng atInG kakailangAnin, And If Hindi NAtin NA-Bugdet Ang mga ito Paano NalanG Ang Future lIFE naTIN!!
    yUN laNG!!..

    ReplyDelete
  20. Kailangan natin magtipid upang makaiwas sa maraming gastusin at upang makatulong din tayo sa ating pamilya .

    ReplyDelete
  21. .kailngan nating magtipid upang makaraos sa krisis na ito. Pero malaki ang katungkulan ng pamahalaan sa usaping ito. Uhaw na ang bawat Pilipino sa PAGBABAGO. puro na lng pangako ang mga nasa katungkulan, pero hindi aman nila masulusyunan ang mga problema. Sa mga ganitong panahon, kailangan nating maging praktikal, lalo pa't wala ng nakikitang pag-asa n kaya ng ating pamahalaan na sulusyunan ang ating problema.

    ReplyDelete